Free Workers Services

Mga Karapatan ng Manggagawa sa Israel – Simula Abril 1, 2025
1. Minimum na Sahod (Minimum Wage)
• Buwanang Sahod (Full-time, 182 oras): ₪6,248
• Arawan: ₪250
• Kada Oras: ₪34.3
• Maaaring ibawas ng employer ang halaga para sa health insurance, tirahan at pagkain ayon sa legal na itinakda.
2. Pagbabayad ng Sahod (Salary Payment)
• Ang sahod ay kailangang bayaran bago ang ika-9 ng bawat buwan, para sa nakaraang buwan.
3. Bayad para sa Overtime (Overtime Pay)
• Nalalapat ito sa mga tagapag-alaga na nagtatrabaho sa labas ng bahay ng employer.
• Unang 2 dagdag na oras: ₪43 kada oras
• Higit sa 2 oras: ₪51.5 kada oras
4. Lingguhang Araw ng Pahinga (Weekly Rest Day)
• May karapatan sa 25 oras na pahinga bawat linggo.
• Kung magtatrabaho sa araw ng pahinga: dapat bayaran ng ₪425
5. Taunang Bakasyon (Annual Vacation)
• Unang 5 taon: 14 araw ng trabaho na may bayad (16 kalendaryong araw)
• 13+ taon: hanggang 4 na linggong bakasyon
• Maaring ipunin ang mga araw ng bakasyon sa loob ng 3 taon
• Bayad ay ayon sa full o minimum wage
• Walang obligasyon na maghanap ng kapalit o magbayad sa employer para sa bakasyon
6. Mga Piyesta Opisyal (Holidays)
• 9 bayad na pista opisyal kada taon
• Kada pista: 25 oras
• Kung magtatrabaho sa piyesta: sahod na ₪426
7. Sick Leave (Sick Days)
• 1.5 araw ng sick leave kada buwan
• Maximum na 90 araw
• Bayad:
– Unang araw: walang bayad
– Ikalawa: 50% ng arawang sahod
– Ikatlo: 50%
– Mula ika-4 at pataas: 100%
• Kinakailangang magpakita ng medical certificate
8. Separation Pay (Severance Pay)
• Kung natapos ang kontrata ng empleyado at employer (hindi dahil sa kasalanan ng empleyado):
– Makakakuha ng 1 buwanang sahod bawat taon ng trabaho
9. Notice Period (Notice Before Termination)
• Bago magtapos ang trabaho, kailangang magbigay ng notice o bayaran ito.
• Kung hindi agad umalis, dapat magbigay ng arawang bayad kapalit ng notice.
10. Employment Certificate (Certificate of Employment)
11. Agency Fee (Agency Fees)
• Bawal singilin ang caregiver ng placement o agency fee (maliban sa una at legal na halaga).
• Maaaring ireklamo ang sinumang ahensiya na naniningil ng labis sa Ministry of Labor.
12. Paninirahan sa Employer (Living at Employer’s Home)
• May karapatan sa sariling kuwarto, kama, storage at privacy.
• Hindi obligado ang caregiver na tumira sa bahay ng employer kung ayaw niya.
13. Pagbubuntis at Panganganak (Pregnancy and Maternity)
• Kung nagtrabaho ng higit 6 buwan, hindi maaaring tanggalin dahil buntis.
• May karapatang:
– Libre ang ospital
– One-time birth grant
– 15 linggo ng maternity leave na may bayad mula Bituach Leumi
• Kailangang valid ang B1 visa sa panahon ng panganganak
• Kung expired na, mag-apply para sa B2 visa sa Ministry of Interior
14. Health Insurance (Health Insurance)
• Dapat bayaran ng employer ang health insurance habang nagtatrabaho
• Kapag natapos ang trabaho, maaring ipagpatuloy ang insurance (self-paid)
• Kung natigil, maaring ipagpatuloy sa loob ng 30 araw
• Kung lilipat ng employer, mas mabuting panatilihin ang parehong insurance company
15. National Insurance (National Insurance)
• Obligasyon ng employer na irehistro ang caregiver sa Bituach Leumi at magbayad ng buwanang kontribusyon.
16. Travel Expenses (Travel Expenses)
• Kung hindi nakatira sa bahay ng employer o nagtatrabaho sa ospital, dapat bayaran ang gastos sa biyahe.
17. Sexual Harassment (Sexual Assault)
• Ang sexual harassment at bastos na salita ay labag sa batas.
• Halimbawa: hindi kanais-nais na haplos, pressure para sa sex, pananakot, etc.
• Maaaring ireklamo sa recruitment agency.
18. Pagitan ng Trabaho at Bago Umuwi (Time Between Employers and Before Leaving)
• Kung wala pang 51 buwan sa Israel: may 90 araw para maghanap ng bagong employer
• 51–63 buwan: maaari pang magtrabaho bilang replacement worker
– Hindi dapat humigit sa 30 araw ang pagitan ng bawat trabaho
• Higit sa 63 buwan: 60 araw bago umalis sa bansa
• Sa espesyal na kaso, maaaring mag-apply para sa humanitarian visa